Magandang umaga,
Umagang kay ganda.
Sanay ganto kaganda ang umaga kung nandito ka lang sana
Kaso ikay lumisan at naghanap ng iba
Pusoy umaasa na sanay magbalik ka
Pero patuloy lang na wawasak pagkat alam kong hindi na
Alam mo ba
Ikaw lang sa twina
Simula noon hanggang ngayun walang pinag iba
Pero ikaw ilang beses ng nakahanap ng iba
Nakakatawa hindi ba?
Bakit hanggang ngayun mahal pa rin kita?
Hindi ka naman gwapo
Ewan ko ba bat ang puso ko
Ikaw lang ang sinisigaw nito
Sana malaman mo
Akoy nagmamahal ng palihim sayo
Mahal kita mula noon hanggang ngayon
Umaga man o gabi ikaw lang lagi
Sana naman maisip ko ako kahit hindi palagi
Mahal kita mahal
Magandang umaga sayo at sa iyong minamahal...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento